Tatlong lalaki, patay sa salpukan ng motorsiklo at trak

Zamboanga Del Sur, Philippines – Patay ang tatlong lalaki na sakay ng motorsiklo matapos mabangga at makaladkad ng kasalubong na trak sa bayan ng Mahayag, Zamboanga Del Sur alas 4:58 ng madaling araw.

Ayon sa mga imbestigador, nag-overtake ang mitsubshi truck sa sinusundang sasakyan, dahilan para sumalpok ito sa kasalubong na motorsiklo sa national highway sa barangay San Isidro.

Pumailalim ang mga biktima sa truck at nakaladkad, dahilan ng agaran nilang pagkamatay.


Nakilala ang mga biktima na sina Ruben Dagang, 31-anyos; Eric Sambalan, 36-anyos; at Narciso Eranga, 46-anyos, na pawang nagtamo ng malulubhang sugat sa ulo at katawan.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide ang driver ng truck na si Erik Mag-Aba.
DZXL558, Kenneth Bustamante

Facebook Comments