Tatlong lalaking tulak ng shabu sa Mandaluyong, arestado sa buy bust operation

Timbog sa ikasang buy bust operation ang tatlong lalaking tulak umano ng illegal na droga sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Nakilala ang mga suspek na sina Roberto Reyes Cinco, 56-anyos, Rommel Reyes Cinco, 42-anyos, at Jualito CariƱo Navarro, 52-anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong plastic sachet na nanglalaman ng tatlong gramo na umanoā€™y shabu na nagkakahalaga ng P20,400.


Ginawa ang nasabing operasyon sa Block 39, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City kahapon matapos makumpirma ang pagbebenta ng mga suspek ng umanoā€™y shabu sa nasabing lugar.

Nakakulong na ang mga suspek sa Mandaluyong City Police Station custodial at nahaharap sa kasong pag labag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments