TATLONG LINEMEN NAKURYENTE HABANG NAGKAKABIT NG KABLE SA BAYAN NG NATIVIDAD; ISA PATAY, DALAWA SUGATAN

35

NATIVIDAD, PANGASINAN – Patay ang isang linemn habang sugatan ang dalawa pang kasamahan nito matapos silang aksidenteng makuryente habang nagkakabit ng kable ng isang telecommunication company sa bayan ng Natividad, Pangasinan.

Kinilala ang namatay na biktima na si Jonel Salinas habang sugatan ang mga kasamahan nitong sina Aron Agbayani at Reniel Gaudiano tubong mga Bulacan.


Naganap ang aksidente pasado alas tres ng hapon sa Brgy. Poblacion sa nasabing bayan habang nagkakabit ng kable ng isang telecommunication company ang tatlo ng aksidenteng tumama sa isang high voltage wire ng PANELCO ang poste na ikinakabit ng mga ito dahilan para makuryente ang mga ito.

Bunsod nito ay agad namang naisugod sa pagamutan ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival si Jonel Salinas habang kasalukuyang inoobserbahan pa ang dalawang kasamahan nito.

Facebook Comments