Tatlong magkakamag-anak na pulis, arestado sa pagpapaputok ng baril sa Quezon City

Manila, Philippines – Inaresto ng Quezon City Police District ang tatlong magkakaanak na pulis na nagpaputok ng baril habang nag-iinuman sa Barangay Santol.
 
Ayon kay QCPD Police District Chief Supt. Guillermo Eleazar, dinampot ang tatlong pulis na nakilalang sina SPO4 Benny Felipe, kapatid niyang si SPO3 Joselito, at kanilang pamangkin na si PO1 christian.
 
Aniya, isang concerned citizen ang nagreklamo sa emergency hotline 911 ng kanilang pagwawala noong biyernes habang nag iinuman.
 
Kinasuhan na aniya ang mga suspek ng threat at alarm and scandal at pansamantalang ikinulong sa Camp Caringal.

Facebook Comments