Arestado ang tatlong mangingisda sa Alaminos City matapos na mahuli sa aktong gumagamit ng iligal na apparatus sa panghuhuli ng isda sa dagat.
Sa isinagawang seaborne patrol ng Alaminos CPS at Philippine Coastguard, Alaminos City, naaresto ang mga naturang suspek matapos na mahuli sa akto na gumagamit ng air compressor bilang breathing apparatus upang makapangisda sa sakop na karagatan ng lungsod.
Nakumpiska sa mga suspek ang hose para sa compressor na nasa higit kumulang limampung metro, dalawang pares ng yapak, fishnet, compressor, at iba pang kagamitang pangisda.
Nasa ilalim na ng kustodiya ng Alaminos CPS ang mga suspek habang inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments