Tatlong mangingisda sa Batanes, nawawala matapos abutan ng masamang panahon

76

Tatlong mangingisda mula Basco at Uyugan sa Batanes ang napaulat na nawawala sa gitna ng masamang panahon.

Kinilala itong sina Antonio Lizardo, 53-anyos; Eduardo Elica, 35-anyos; at Tinong Alviso, 45-anyos.


Huling namataaan ang tatlo sa malapit sa isla ng Itbayat at Siayan patungo sa Mavudis Island.

Ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco, maagang nagsibalikan sa pantalan ang mga mangingisda nang magsimulang tumaas ang mga alon.

Gayunman, bigong makabalik ang tatlo kaya nagtawag na sila ng coast guard.

Nagpapatuloy pa ang search and rescue operations.




Iniulat na rin nila ito kay North Luzon Command Gen. Ramiro Rey para makapagpadala ng eroplano na magsasagawa ng aerial search sa ibang isla oras na gumanda na ang panahon.

Facebook Comments