Tatlong menor de edad, sugatan matapos masangkot sa saksakan bunsod ng isang rambol sa Tuguegarao City

80

Sugatan ang tatlong menor de edad matapos masangkot sa rambol na nauwi sa saksakan sa labas ng isang paaralan sa Tuguegarao City, Cagayan.

Batay sa ulat, nagsimula ang gulo matapos makasagian ng isa sa biktima ang suspek at doon na nagmitsa ang rambulan.

Agad naman pinaulanan ng suntok ang isa sa mga sangkot sa rambulan nang humugot ng kutsilyo ang isa at nagsimula nitong pagsasaksakin ang tatlong kalalakihan na pawang mga 15-17 taong gulang lamang.


Nakalabas na sa ospital ang dalawa sa mga biktima habang nagpapagaling pa rin ang isa matapos magtamo ng saksak sa tagiliran.

Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang suspek na pawang 16-taong gulang lamang.

Hinigpitan na ang seguridad sa paligid ng paaralan upang maiwasan ang mga ganitong uri ng pangyayari.



Facebook Comments