Tatlong mga terorista nahuli ng Milf habang sakay ng bangka, mga armas at bala nasamsam

Nasa kustodiya ngayon ng Task Force Ittihad ng Moro Islamic Liberation Front(MILF) ang tatlo katao na pinaniniwalaang tagasunod ni Esmael Abdul Malik alyas Abu Turaife ng ISIS inspired group na Jaamatul Muhajireen Al Wansar. Ito ang kinumpirma sa RMN Cotabato ni 6th ID CMO Chief Army Col Jerry Besana.
Nahuli ang tatlo nitong Lunes ng tanghali habang sakay ng bangka sa matubig na bahagi ng Datu Salibo sa Maguindanao. Habang tumatawid sa ilog sila ay hinarang ng Task Force Ittihad at sa pagsisiyasat ay dito tumambad ang mga dala nilang armas na kinabibilangan ng M14, M16 at mga bala.

Dahil dito ay pinaiiwas muna sa mga sibilyan ang bumiyahe sa ilog ng SPMS box gamit ang bangka. Naniniwala si Col. Besana na ginagamit ng mga terorista ang bangka bilang mode of transportation sa pagdadala ng pagkain , mga armas at bala sa kanilang mga kasamahan.


Facebook Comments