Tatlong miyembro ng robbery holdap at carnapping group, patay sa operasyon ng PNP-HPG sa Benguet

432

Patay ang tatlong miyembro ng Robbery holdap at carnapping group sa ikinasang operayson ng Philippine National Police (PNP), Highway Patrol Group (HPG) sa Lamut-Shilan Road, Brgy. Shilan La Trinidad, Benguet.

Sa ulat ng PNP, pasado alas-12:00 ng madaling araw kanina nang isagawa ang operasyon at mangyari ang shoot out na ikinasawi ng tatlo.

Ang tatlo ay sakay ng Red Mitsubishi Lancer Sporting Plate No. WIN-580.


Tinangka pa raw na kausapin ng mga pulis ang mga suspek pero pinapatukan na sila kaya nagkaroon ng ilang minutong barilan dahilan ng agarang pagkamatay ng dalawa habang nasawi rin ang isa matapos ang malalang tama ng bala sa katawan.

Matagal nang under surveillance ang tatlo dahil sa pagnanakaw at pagdukot, gamit ang pulang Mitsubishi Lancer Sporting na pinapalitan lang ng plaka para makapagsagawa ng operasyon sa lalawigan ng Pampanga.

Facebook Comments