TATLONG PANGUNAHING KALSADA SA UNANG DISTRITO NG PANGASINAN, ISINUSULONG GAWING NATIONAL ROADS

Aprubado na sa Committee on Public Works and Highways ng Mababang Kapulungan ang tatlong panukalang batas na naglalayong gawing national roads ang ilang pangunahing kalsada sa Unang Distrito ng Pangasinan.

Kabilang sa mga panukala ang House Bill No. 5872 para sa Bobonot-Tambobong Road sa Dasol, House Bill No. 5873 para sa Bolinao-Anda Road sa mga bayan ng Anda at Bolinao, at House Bill No. 5874 para sa Bolinao-Patar Road sa Bolinao.

Kapag naisabatas, ililipat sa natio ak government ang pangangasiwa at pagpapaunlad ng mga naturang kalsada, kabilang ang pondo para sa kanilang rehabilitasyon at pagpapalawak.

Matagal nang isinusulong ng mga residente at lokal na pamahalaan ang pagpapabuti ng mga pangunahing lansangan sa kanlurang bahagi ng Pangasinan dahil sa epekto nito sa biyahe ng mga motorista, pagdadala ng produkto, at pag-access sa mga komunidad at tourist destinations sa lugar.

Dadaan pa sa mga susunod na proseso sa Kongreso ang mga panukala bago tuluyang maisabatas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments