
CAUAYAN CITY – Pormal na binuksan ngayong araw ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa pangunguna ni Dr. Melchor Dela Cruz, Jr. ang tatlong bagong pasilidad: ang Animal Bite Center, Lingap Center, at Dialysis Unit.
Ang Lingap Center ay itinatag para sa mga pasyenteng may HIV, ang Animal Bite Center ay tutugon sa lumalalang kaso ng kagat ng hayop at upang maiwasan ang rabies, habang ang bagong Dialysis Unit ay may 16 makina ay para sa mas komportableng gamutan ng may sakit sa bato.
Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na layunin ng SIMC na maghatid ng abot-kaya at dekalidad na serbisyong medikal sa buong rehiyon.
Dumalo rin sa aktibidad sina Dr. Amelita Pangilinan ng CVCHD at Dr. Jasmine Maladrigo ng NWCGH, kasama ang mga opisyal at kawani ng SIMC.