Tatlong PDL sa New Bilibid Prison, patay sa riot

177

Tatlong Persons Deprived of Liberty (PDL) ang nasawi sa nangyaring riot sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison.

Ayon kay Bureau of Corrections Spokesperson Gabriel Chaclag, 14 din ang naitalang sugatan sa insidente na naganap bandang alas-6 ng gabi kahapon.

Sinabi ni Chaclag na nagmula lamang ito sa biruan kung saan kalaunan ay may nagpaputok na ng improvised shotgun na nagmitsa na ng kaguluhan.


Makalipas ang isang oras ay agad namang nakontrol ang sitwasyon sa loob ng New Bilibid Prison.

Samantala, nakakumpiska din ng ilang improvised weapons ang BuCor habang pitong indibidwal na itinuturong pasimuno sa gulo ang inihiwalay na para sa imbestigasyon.
\

Facebook Comments