Tatlong personalidad na hinihinalaang tulak sa iligal na droga, timbog sa Marikina City

53

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police Station ang tatlong pinaghihinalaang drug pusher makaraang maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Blk 10 Lot 4, JB Subdivision, Martin St., Brgy. Nangka, Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Arjay Caparal, 24 anyos, Arthur Batulan, 28 anyos at Mario Mallari, 41 anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Marikina Philippine National Police (PNP) ang tatlong mga suspek ay naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pamamagitan ng buy-bust operation sa Barangay Nangka Marikina City.


Nakumpiska sa mga suspek ang 10 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱68,000 at ₱500 bilang ginamit sa buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang mga suspek.

Facebook Comments