Tatlong probinsya sa Afghanistan, nakubkob ng islamist group na Taliban

Tatlong probinsya sa Afghanistan ang panibagong nakubkob ng terrorist group na Taliban.

Mas pinaigting kasi ng grupo ang kanilang opensiba nang malaman na aalis na ang US military na nakadeploy sa Afghanistan ngayong katapusan ng Agosto.

Kaugnay niyan, ilang mga gusali ng gobyerno na rin ang nakuha ng mga miyembro ng Taliban matapos ang mga engkwentro mula pa nitong weekend.


Sa ngayon, tanging ang army base at ang airport na lamang ang hawak ng Afghan Security Forces pero tiniyak nilang babawiin nila ang mga nakubkob na teritoryo mula sa mga terorista.

Facebook Comments