Tatlong pulis na sangkot sa Body Cam Extortion, pinasisibak ni PRRD 

191

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dismissal ng tatlong police officers na sangkot sa 5 Million Pesos Extortion ng Body Cameras.

Sa kanyang talumpati sa 80th Anniversary ng Dept. of National Defense sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na pinasisibak niya ang tatlong pulis dahil sa pagkakasangkot sa korapsyon.


Kung ayaw naman ng mga ito na ma-dismiss, hind sila papayagang pumasok ng kampo.

Una nang tinukoy ni PNP OIC, Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa ang mga pulis na sina Police Major Emerson Sales, Police Major Rholly Caraggayan, at Police Major Angel Beros.

Ang tatlong pulis ay bahagi ng Technical Working Group ng PNP Bids and Awards Committee.

Maliban sa kasong Administratibo, mahaharap din ang mga ito ng mga reklamong kriminal.

Facebook Comments

From Advertisers