Tatlong senador, nag-aagawan sa Chairmanship ng Education Committee

Tatlong senador ang nag-aagawan sa chairmanship ng education committee.

 

Ito ay sina Senators Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian at senator-elect Pia Cayetano.

 

Kasalukuyang hawak ni outgoing Sen. Chiz Escudero ang nasabing komite.


 

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, nakausap niya si Cayetano at hiniling nito na makuha ang komite na dati rin niyang hinawakan.

 

Ayon naman kay Gatchalian, kasalukuyang Chairman ng Senate Committee on Energy at ng Economic Affairs, nais niyang tutukan ang K-to-12 program at tuloy-tuloy ang pakikipag-usap niya sa kanyang mga kasamahan sa senado hinggil sa planong pamunuan ang komite.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Sotto na hahayaan na lang muna niyang mag-usap ang tatlo at handa naman daw silang tumulong.

 

Facebook Comments