Tatlong shopping malls sa Caloocan City, pumayag na rin na maging vaccination sites

72

Pumayag na rin ang ilang shopping malls sa Caloocan City na maging vaccination sites.

Kabilang sa malls na ito ay ang SM Center Sangandaan na binuksan ang isang sinehan ngayong araw para maging vaccination site.


Aabot sa 400 vaccine slots ang bubuksan at mga A1, A2, A3 ang babakunahan mula 8AM hanggang 4AM, Lunes hanggang Sabado.

Bukas ay bubuksan din ng Zabarte Mall, at Metro Plaza ang kanilang espasyo para sa vaccination drive sa lungsod.

Facebook Comments