Tatlong Top Most Wanted Person sa Bayan ng Roxas Isabela, Bumagsak sa Kamay ng mga Otoridad!

53

Roxas, Isabela – Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang tatlong top most wanted person (Municipal Level) sa Brgy. Rizal, Roxas, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP Roxas, unang naaresto ang top 4 most wanted na si Jomar Valdez, tatlumpung taong gulang, residente ng San Antonio, Roxas Isabela; sumunod naman ang top 3 most wanted person na si Harry Galle, dalawampu’t pitong taong gulang, nakatira sa San Antonio, Roxas, Isabela; at panghuli ang top 2 most wanted person na si Erwin Ramos, dalawampu’t apat na taong gulang, binata at residente ng Brgy. Matusalem, Roxas, Isabela.

Ang mga akusado ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Fe Viray ng MCTC Roxas Isabela sa kasong Attempted Homicide at may nairekomendang piyansa na tatlumpung libong piso bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Sina Valdez, Galle at Ramos ay nasa Roxas Police Station na para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments