Tatlong tulak ng droga, natimbog sa buy-bust ng PDEA sa Pasay City

Arestado ang tatlong tulak ng droga matapos makumpiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit anim na milyong piso sa buy bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod ng Pasay.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva tatlong suspek na sina John William Torres, John Francis Marayag at Christopher Jake Saulog.

Nabatid na isang linggong isinailalim sa surveillance ang tatlo bago ikinasa ang drug buy bust operation sa Arnais St. 361 Libertad Brgy. 59, Pasay city,


Narekober sa mga ito ang isang kilo ng hinihinalang shabu na may street value ng ₱6.8 million buy-bust money, isang honda click, isang rossi unit na ginagamit sa transaksyon.

Facebook Comments