Tatlong tulak ng ilegal na droga sa Taguig, arestado

46

Timbog ang isang ginang at ang dalawang lalaking nagtutulak umano ng ilegal na droga sa lungsod ng Taguig, matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila.

Nakilala ang mga suspek na sina Lolita Idos Lorica, 57-anyos, Ronnie Bernal Sabado, 24-anyos at Tristan Sapon Victorino, 19-anyos.


Nakuha mula sa kanila ang 11.5 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P78,200.

Narekober din ang P3,200 na perang ginamit bilang buy-bust money at P2,500 na hinihinalang drug money.

Nangyari ang pag-aresto sa mga supek matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang bahay sa Kalayaan St. Brgy. Ususan, Taguig City, pasado alas-6:15 kagabi.

Batay sa ulat ng Taguig PNP, ginawa ang nasabing operasyon matapos makumpirma na ang tatlong suspek ang nag dadala at nagbebenta ng mga ilegal na droga sa lungsod.



Nakakulong na ang mga suspek sa Taguig City PNP custodial facility at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments