Tatlong Vietnamese National kalaboso matapos manggantyo sa Mapandan

Kulungan ang bagsak ng tatlong Vietnamese national matapos manggantyo sa bayan ng Mapandan, Pangasinan.
Kinilala ang mga suspek na sina Thuyen Dang, Van Nga Tran at Dinh Hanh Tran pawing mga nasa hustong gulang.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya na tinangka ng tatlo na linlangin ang punong barangay na si Rolando Soriano na dumating ang mga suspek lulan ng SUV.
Inalok umano si Soriano ng binebenta nilang tent na nagkakahalaga ng 2,000 pesos ngunit ng akmang babayaran ng kapitan ang produkto ay napansin nitong pinalitan ng mga suspek sa mas maliit ang naturang tent.
Sa ngayon ay nasa pangagalaga na ng PNP Mapandan ang tatlo.

Facebook Comments