
Tatlong indibidwal na may kinakaharap na kasong kriminal ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng kapulisan bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga wanted persons sa rehiyon.
Naaresto ng Basista Municipal Police Station ang isang 37 anyos na dating OFW at residente ng Malasiqui, Pangasinan.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Theft na may itinakdang piyansang 30,000 pesos.
Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Basista MPS para sa tamang disposisyon.
Natunton at naaresto ng Rosales MPS ang isang 54 anyos na lalaking truck driver, at residente ng Bautista, Pangasinan, sa Concepcion, Tarlac.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape Through Sexual Assault na may itinakdang piyansang 200,000 pesos.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Rosales MPS.
Pagkalipas lamang ng sampung minuto, nagresulta rin sa pag-aresto ng Sta. Barbara MPS ang operasyon kontra sa isang 47 anyos na kasalukuyang residente ng Sta. Barbara, Pangasinan.
Ang suspek ay naaresto dahil sa kasong Estafa na may itinakdang piyansang 36,000 pesos.
Siya ay nasa kustodiya na ng Sta. Barbara MPS. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









