Tatlumpu’t isang barangay sa siyudad ng Cauayan, idineklarang drug cleared barangay ng PNP

Isabela, Phillipines – Idineklara na ng PNP Cauayan na drug cleared barangay ang tatlumput isang barangay na apektado ng droga sa siyudad ng Cauayan.

Ayon kay police senior inspector Esem Galiza, Information officer ng PNP Cauayan, mula sa animnaput limang barangay, Apatnapu’t anim na barangay ang apektado ng droga sa siyudad habang labingsiyam naman ang drug free barangay.

Sinabi pa ni Galiza na patuloy ang kanilang isinasagawang drug clearing operation hanggang maideklarang drug cleared barangay ang natitirang labing limang barangay na apektado ng droga.
Nation


Facebook Comments