TAUNANG KONSUMO NG ENERHIYA NG LGU BAYAMBANG, SINURI SA ENERGY CONSERVATION MEETING

Muling sinuri ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ang taunang konsumo ng enerhiya nito sa ginanap na 1st Quarter Energy Conservation Meeting bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalakas ang pagtitipid sa kuryente sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Sa nasabing pulong, inilahad ni Energy Conservation Focal Person Engr. Rudyfer P. Macaranas ang komprehensibong ulat hinggil sa energy consumption ng LGU para sa mga taong 2024, 2025, at 2026.

Layunin ng ulat na masuri ang kasalukuyang paggamit ng enerhiya at matukoy ang mga hakbang upang higit pa itong mapababa.

Tinalakay rin ang iba’t ibang energy efficiency at conservation initiatives, gayundin ang mga best practices na ipinatutupad ng munisipalidad upang maging mas episyente ang paggamit ng kuryente sa mga opisina ng lokal na pamahalaan.

Bukod dito, ipinresenta rin sa pulong ang implementasyon ng Local Energy Efficiency and Conservation Program (LEECP) para sa 2026.

Ang naturang pulong ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng LEECP, alinsunod sa Government Energy Management Program (GEMP) ng pamahalaan, na nagtataguyod ng mas maayos at matipid na paggamit ng enerhiya sa mga institusyon ng gobyerno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments