
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta Marcos sa Palasyo ng Malacañang ang tradisyunal Vin D’Honneur o Wine of Toast kagabi, kasunod ng pagdiriwang ng Independence Day.
Ang Vin D’Honneur ay tradisyunal sa salu-salo na pinangungunahan ng pangulo tuwing Bagong Taon at Independence Day, para magkaroon ng kasuwal na pag-uusap o makapag kwentuhan ang mga imbitado.
Present sa naturang event ang iba’t ibang matataas na opisyal ng gobyerno,ilang miyembro ng Kongreso, Hudikatura, at Diplomatic Corps, at private sector.
Sa naturang event din ay ginagawa ang pagto-toast ng alak ng pangulo kasabay ng kaniyang mensahe para sa Araw ng Kalayaan.
Ayon kay Pangulong Marcos, malayo na ang narating ng Pilipinas sa pagkilala ng buong mundo mula nang makamit nito ang demokrasya.
Sa tulong aniya ng diplomatic corps ay nakuha ng bansa ang suporta ng international community sa national development agenda.
Napalawak na rin aniya ng Pilipinas ang pakikipag diplomasya habang naiposisyon ang sarili sa pandaigdigang entablado upang makasali sa international dialogue, maprotektahan ang pambansang interes at makapag-ambag sa ikabubuti ng lahat.