Tawag ng Tanghalan grand champ Noven Belleza – arestado sa kasong rape

1581

Showbiz – No comment pa rin ang kampo ng singer na si Noven Belleza matapos siyang maaresto sa Cebu City noong Linggo.

Kaugnay ito sa kasong rape na isinampa ng 19-anyos na biktima laban sa kauna-unahang grand champion ng Tawag ng Tanghalan.

Inaresto si Belleza sa barangay Mabolo matapos itong mag-guest sa concert ni Vice Ganda sa Cebu.

Ayon sa report ng local daily ng Cebu na The Freeman, nangyari raw ang panggagahasa noong Sabado nang madaling araw sa condo unit na tinutuluyan ng singer.

Sabi ng biktima, kahit magkaibigan sila si Belleza, hindi raw niya palalampasin ang ginawa nito sa kanya.

Facebook Comments