TAX CARAVAN SA LA UNION, ISINAGAWA

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang isang Tax Caravan bilang bahagi ng pagdiriwang ng kauna-unahang Tax Consciousness Month.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan ng publiko tungkol sa kahalagahan ng pagbabayad ng buwis sa pag-unlad ng lalawigan.
Sa pamamagitan ng serye ng information campaigns sa bawat bayan, ipinaliwanag ang papel ng buwis sa mga proyekto ng imprastruktura at iba pang serbisyong pampubliko.

Binigyang-diin ng mga opisyal ang mahalagang kontribusyon ng bawat taxpayer sa progreso ng lalawigan.
Hinihikayat ang mga mamamayan na samantalahin ang pagkakataon na magbayad ng buwis sa mga one-stop shop upang maiwasan ang penalty hanggang sa katapusan ng buwan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments