Tax deductions para sa mga empleyadong naka work from home setup, nararapat lamang ayon kay Senator Sherwin Gatchalian

84

Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na dapat bawasan ng buwis ang mga empleyadong naka work-from-home set-up.

Ayon kay Gatchalian, ito ay dahil paniguradong tumataas ang bill ng kuryente at internet ng mga naka-work from home set-up na nakakadagdag pa sa gastusin bukod sa pagkain.


Ang pagkakaroon aniya ng tax deductions kagaya ng P25.00 na bawas sa kanilang taxable income kada oras sa trabaho ay malaking tulong na para sa mga Pilipino.

Bukod diyan, iminumungkahi ng senador na huwag nang kaltasan pa ng buwis ang mga allowance na ibinibigay ng kumpanya kung mas mababa ito sa P2,000 kada buwan.

Facebook Comments