TAX INVASION CASE | Rappler CEO Maria Ressa, naglagak ng pyansa

Nakapaglagak na ng pyansa sa Pasig Regional Trial Court Branch 265 si Maria Ressa, CEO ng online news site na Rappler.

Kasunod ito ng pagpapalabas ng korte ng arrest warrant laban kay Ressa sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code dahil sa hindi pagbabayad ng tamang income tax at value-added tax

P60,000 ang inilagak na piyansa ni Ressa kapalit ng kanyang pansamantalang kalayaan.


Itinakda naman ng Korte ang arraignment sa kaso ni Ressa sa December 7 dakong alas-8:30 ng umaga.

Una nang inihayag ng Department of Justice (DOJ) na may nakita silang probable cause para kasuhan si Ressa at ang Rappler.

Facebook Comments