TAX | Paaralan at ospital na mababa ang kalidad ng serbisyo, papatawan ng mataas na buwis

110

Manila, Philippines – Papatawan ng mas mataas na buwis ang mga paaralan at ospital na mababa ang kalidad at hindi maayos ang serbisyo.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Cua, layunin nito na disiplinahin ang mga paaralan at ospital na hindi nagpe-perform nang maayos at nagbibigay ng mababang kalidad ng serbisyo.


Sa ilalim ng Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities o TRABAHO Law, papatawan ng 15 percent hanggang 20 percent taxable income ang mga proprietary educational ­institutions at non-profit hospitals sa bansa.

Nakasaad sa panukala na 10 percent na kasalukuyang tax muna ang ipapataw sa loob ng dalawang taon matapos ang implementasyon ng batas, 15 percent naman sa susunod na tatlong taon at 20 percent tax sa susunod pang mga taon.

Maaari namang ipako lamang sa 10 percent ang tax ng mga ito kung nakasusunod sa criteria at evaluation mula sa CHED, DepEd at DOH.

Giit ni Cua, malaki ang posibilidad na magsara ang mga underperforming school at hospital kung hindi nila makukuha ang standards at matutumbasan ang ibinabayad ng publiko para sa de kalidad at maayos na serbisyo.

Facebook Comments

From Advertisers