Tax provisions ng panukala para sa pagtatatag ng Center for Disease Control, lusot na sa Ways and Means Committee

31

Aprubado na rin sa House Committee on Ways and Means ang “tax provisions” ng inaprubahang substitute bill para sa pagtatatag ng Center for Disease Control and Prevention (CDCP) sa bansa.

Ipinahihiwalay lamang ng komite ang seksyon para sa pagbibigay ng tax exemptions sa mga donor para sa CDCP.


Ang CDCP ay magsisilbing hiwalay na ahensya na nasa ilalim ng kontrol ng Department of Health (DOH) na sesentro sa pagpigil ng mga kumakalat na communicable o infectious disease.

Sa oras na maging ganap na batas ay pinapalawak nito ang quarantine powers ng health secretary upang matiyak na hindi malulusutan ng sakit ang bansa at lilikha din ng Health Emergency Coordination Council na siyang pangunahing makikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno sakaling magkaroon ng “state of health emergency.”

Ang CDCP ang siyang magpapatupad ng mga polisiya, magsasagawa ng surveillance at pag-aaral, disease control, prevention at response sa mga sakit na bigla na lamang umuusbong o iyong mga rapid o sudden onset health hazards and emerging diseases tulad ng novel corona virus.

Ipapasok sa pamamahala ng CDCP ang disease prevention and control bureau, epidemiology bureau at ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para mapagtibay lalo ang disease control at prevention capacity ng bansa.



Facebook Comments