Taxi driver, patay matapos barilin sa Batasan Hills, Quezon City

25

Patay ang isang taxi driver matapos barilin ng suspek sa 31 Kalayaan Libis Extension, Barangay Batasan Hills kagabi.

Nakilala ang biktima na si Edrian Tresvalles Galang, 39-anyos.

Sa imbestigasyon, natutulog na ang biktima sa kanilang bahay ng pasukin at barilin ng hindi nakilalang suspek kung saan sa batok ito tinamaan ng bala kaya agad din binawian ng buhay.

Ayon sa ka-live in partner na si Zaineth Nismal, sumuko na sa oplan tokhang ng pulisya ang mister.

Sa ngayon, palaisipan pa ang tunay na motibo sa krimen at kung sino ang nasa likod ng pagpatay.

Facebook Comments