TAYA NA! | Jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58, inaasahang aakyat sa ₱935-M

185

Manila, Philippines – Inaasahang papalo sa higit ₱935 million ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58.

Ito ay dahil wala pa ring nakakakuha ng ₱903,290,152 na jackpot sa huling draw nitong Biyernes (October 5).

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan – ito na ang pinakamalaking jackpot sa lotto mula noong 2010 kung saan isang OFW ang nag-uwi ng ₱741 milyon na jackpot sa grand lotto 6/55.

Ang susunod na draw ay gaganapin ngayong araw, October 7.

Facebook Comments