TAYA NA! | Jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58, papalo na sa higit P1-B

98

Manila, Philippines – Inaasahang papalo na sa higit isang bilyong piso ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

Ito ay na ang pinakamalaking jackpot prize sa kasaysayan ng lotto sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan – nakatatanggap sila ng mga ulat na maging ang mga foreigner ay tumataya na rin ng lotto tickets.

Kung sino aniya ang mananalo ay tatanghaling kauna-unahang PCSO billionaire.

Gaganapin ang susunod na draw mamayang gabi.

Facebook Comments