TAYA NA! | Ultra Lotto 6/58 jackpot prize, hindi pa din napapanalunan

54

Manila, Philippines – Hindi pa din napapanalunan ang nasa P1,112,647,388.00 na jackpot prize ng 6/58 Ultra Lotto kagabi.

Walang nakakuha ng winning combination numbers na 28-14-54-50-17 at 27.

Samantala, dalawang maswerteng mananaya naman ng 6/45 Megalotto ang paghahatian ang jackpot prize na P72,786594.00 kung saan nasungkit nila ang winning combination numbers na 23-26-12-10-36 at 30.

Bukas ay inaasahan na aabot sa P1.7 billion ang halaga ng jackpot sa 6/58 kaya at asahan na magiging mahaba ang pila sa mga outlet ng lotto.

Facebook Comments