TAYO NAMAN! | DFA Secretary Cayetano, naniniwalang panahon na ng Asya na pangunahan ang pandaigdigang kaunlaran

Manila, Philippines – Naniniwala si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na tinututukan at pinapakinggan na ng buong mundo ang Asya.

Sinabi ito ni Cayetano sa panayam ng state owned na CGTN o China Global Television Network sa nagpapatuloy na Boao forum sa China.

Ayon sa kalihim, hindi na maaari pang balewalain ng anumang bansa ang Asya dahil sa pag-unlad ng mga bansa sa rehiyon, pamumuno ng ibat ibang ASEAN leader at pag-unlad ng teknolohiya lalo na ang social media.


Naniniwala rin si Cayetano na sa kabila ng pagkakaroon ng rivalry o hindi pagkakaunawaan sa mga bansa sa rehiyon, naghahanap pa rin ng paraan ang lahat upang magkaroon ng kooperasyon.

Sa Boao forum, pinoposisyon ni Chinese Presidente Xi Jinping ang Asya bilang regional driver para sa pandaigdigang kaunlaran.

Facebook Comments