Team Chemistry, isa sa magiging susi ng Gilas Pilipinas sa pagsabak sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers ayon sa SBP

92

Aminado si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Program Director Tab Baldwin na hindi pa handa sa laban ang Gilas Pilipinas sa November Window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Manama, Bahrain.

Ayon kay Baldwin, isa sa dahilan ay ang maikling panahon ng kanilang team practice kung saan malayo pa sa inaasahan niyang national squad ang kasalukuyan pool ng Gilas na pawang mga cadets.


Pero sinabi ni Baldwin na ang team chemistry ang siyang isa sa magiging susi para manalo sila sa magiging laban kontra Thailand habang hindi pa sigurado kung makakalaro nila ang team ng South Korea na nais mag-withdraw dahil sa pagkabahala nila sa COVID-19 pandemic.

Opisyal naman itinalaga ng SBP bilang head coach ng Gilas Pilipinas para Asia Cup Qualifiers si Jong Uichico habang ang mga assistant coaches nito ay sina Alton Lister at Boyet Fernandez.

Facebook Comments