Team LeBron, dinomina ang Team Durant sa NBA All-Star Game

Hindi pinaporma ng Team LeBron ang Team Durant sa National Basketball Association (NBA) All-Star Game sa score na 170-150.

Hinirang na Most Valuable Player (MVP) si Giannis Antetokounmpo matapos makagawa ng 35 points.

Umalalay rin sa Team LeBron si Damian Lillard na umiskor ng 32 points at Stephen Curry na may 28 points.


Tumagal lang ng 13 minuto ang paglalaro ni LeBron James na may 4 points habang si Kevin Durant ay hindi rin nakalaro dahil sa hamstring injury.

Sumandal naman ang Team Durant kay Bradley Beal na may 26 points.

Facebook Comments