Team PH, patuloy ang paghakot ng medalya sa SEA Games

219

Tuloy-tuloy ang paghakot ng gintong medalya ng Team Philippines sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

Kahapon, nakakuha ang Pilipinas ng apat pang gold medals kung saan isa dito ang nasungkit ni Eric Cray para sa 400-meter hurdles.

Ginto rin ang nakuha ni Rubilen Amit para sa women’s 9-ball event at ni Kurt Barbosa para sa taekwondo matapos talunin naman si Panachai Jaijulla ng Thailand.


Kasunod nito, nakuha nina Erika Bomogao at Rhichein Yosorez ang ikaapat na gold medal kahapon sa muay thai women’s way kru na isang boxing dance event.

Sa kabuuan, may 123 na medalya na ang Pilipinas sa SEA Games kung saan 34 dito ang gold, 39 ang silver at 50 ang bronze habang pangatlo din tayo sa may pinakamaraming medalya sa mga bansang kalahok sa kompetisyon.

Facebook Comments