Team Pilipinas, tinalo ng France sa nagpapatuloy na 2017 FIBA 3×3 World Cup

45

FIBA – Hindi umubra sa France ang national team ng Pilipinas sa 2017 FIBA 3×3 World Cup.

Kahapon lang nang manalo ang Pilipinas kontra Romania pero kanina, hindi na nahabol ng national team sa pangunguna ni Kobe Paras ang malaking agwat ng score ng France.

Dahil dito, nangunguna na sa pool b ang France na may 2-0 record na sinundan naman ng Slovenia.

Sunod na makakaharap ng Pilipinas ang Slovenia ala 1:40 nang madaling araw ng June 21 (oras sa Pilipinas) na susundan agad ng laban kontra El Salvador.

Facebook Comments