Team Pilipinas – underdog sa group d ng FIBA world cup pero positibong aabante sa next round

170

Aminado si Gilas Pilipinas Head Coach Yeng Guiao na “underdog” ang team Pilipinas sa group d ng 2019 FIBA world cup.

Matatandaang sa ginanap na drawing of lots nitong sabado sa Shenzhen, China, napunta sa group d ang Pilipinas kasama ang mga European “heavyweights” na Italy, Serbia at Angola.

Habang naiwasan ng national team ang “group of death” na kinabibilangan ng team USA na binubuo ng NBA all-stars.

Ayon kay Guiao – malalakas na koponan ang kasama nila sa grupo.

Sa kabila nito, positibo pa rin si Guiao na magagawa nilang makausad sa susunod na round ng world cup sa pamamagitan ng pagtala ng isa o dalawang panalo sa pool play.

Facebook Comments