TEAM WORK | Buong section ng Accountancy students sa Ateneo De Davao University, nagtapos with flying colors

Manila, Philippines – Ito ang totoong petmalu na, lodi pa!

Believe it or not, isang buong section ng accountancy students sa Ateneo De Davao University ang nagtapos with Latin honors!

Siyam sa kanila ang nag-graduate na Summa Cum Laude, 20 Magna Cum Laude at 15 Cum Laude.


Ayon kay Erick Sagot, isa sa mga Summa Cum Laude – maging sila ay nagulat nang malamang magtatapos silang lahat na may “flying colors”.

At bunga aniya ito ng mga ginagawang group study at team work ng buong klase.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa unibersidad na isang buong klase ang nagtapos na may Latin honors.

Facebook Comments