Teaser ng Filipino adaptation ng South Korean hit movie na “Miracle in Cell no. 7” – trending!

64

Trending ngayon sa social media ang kalalabas lang na teaser ng Filipino adaptation ng South Korean hit movie na “Miracle in Cell no. 7.”

Sa Facebook page ng VIVA Films, agad na umabot sa 3 million ang views ng teaser sa loob lamang ng limang oras simula ng ilabas ito.


Agad naman nagpasalamat ang direktor ng pelikula na si Nuel Naval.

Ang pelikula ay kabilang sa 2019 Metro Manila Film Festival na pagbibidahan nina Aga Muhlach, Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz, at John Arcilla.

Makakasama rin sa drama film sina Bela Padilla at Xia Vigor habang may special participation ang batikang aktor na si Tirso Cruz III.

Facebook Comments

From Advertisers