Teaser video sa isyu sa SAP ng DSWD, inilabas na ni Senator Pacquiao

742

Naglabas na ng teaser video si Senator Manny Pacquiao kaugnay sa alegasyon nitong pagkawala ng P10.4 billion sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa 8-minute video na may pamagat na “Hiwaga sa Ayuda”, nakalagay ang pauna nitong ulat kung saan nakasaad na mayroong hindi tama sa DSWD at sa e-wallet na Starpay.


Una nang naghain ng resolusyon sa Senado si Senator Pacquiao para imbestigahan ang isyu na itinanggi naman ng DSWD at Starpay.

Kasalukuyang nasa US si Senator Pacquiao para sa nalalapit nitong laban kay Errol Spence sa August 21.

Facebook Comments