TELCO INDUSTRY | Ikatlong telecom player, maisasapubliko na

41

Manila, Philippines – Malalaman na sa Disyembre ang ikatlong telecom player sa bansa.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, siya na mismo ang magte-take over sa selection process sa third telco kung wala pa ring mabubuong desisyon sa Nobyembre.

Aniya, pipiliin niya ang kumpanya na may ‘best track record’.

Hihilingin niya sa mga interesadong kumpanya na magsumite ng kanilang proposal sa kanyang opisina para ma-review niya ang mga ito.

Aminado ang Pangulong Dutete na nadismaya siya sa matagal na delay sa pagpili ng bagong telco.

Facebook Comments