
Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa poultry at bird imports mula Argentina.
Kasunod na rin ito ng pagkumpirma ng mga animal health authorities sa Argentina nasolusyunan na ang kaso ng avian influenza at wala na ring naitatalang karagdagang paglaganap ng naturang sakit.
Dahil sa naturang deklarasyob,naibalik na ang disease-free status ng Argentina alinsunod na rin sa standards ng World Organisation for Animal Health.
Ibinalik ng deklarasyon ang status na walang sakit ng Argentina sa ilalim ng mga pamantayang itinakda ng World Organization for Animal Health.
Sa Department Order No 29 na pirmado ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. pinapayagan na muli ang pag-aangkat ng domestic and wild birds, poultry meat, day-old chicks, eggs, at poultry semen mula Argentina.
Dahil dito, inaasahang makikinaang dito ang mga poultry integrators, breeders at mga food processors na umaasa sa mga imported genetics at raw materials na kinakailangan sa lokal na produksyon.










