TEMPORARY CLOSURE | Mga residente ng Boracay, walang dapat ikabahala sa posibleng pagtaas ng krimen sa pansamantalang pagsasara ng isla

Manila, Philippines – Hindi dapat na mabahala ang mga residente ng Boracay sa posibleng pagtaas ng krimen dahil sa nakatakdang pagasara ng isla.

Tiniyak ito ni PNP Spokesman Police Chief Supt. John Bulalacao, na sinabing mapapanatili ng PNP ang peace and order sa Boracay habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon.

Sinabi ni Bulalacao, magdedeploy ang PNP ng sapat na mga pulis sa lugar para tumulong sa pagpapatupad ng closure order at magbantay sa posibleng pananamantala ng mga magnanakaw sa situasyon.


Samantala, itinalaga ni Police Regional Office 6 Regional Director Csupt. Cesar Hawthorn Binag si PRO 6 Deputy Regional Director PsSupt. Jesus D Cambay Jr. bilang Commander ng Metro Boracay Task Force (MBTF).

Facebook Comments