Temporary shutdown ng Facebook account ni Senator De Lima at ibang taga-oposisyon, pinapaimbestigahan

Hiniling ni Senator Leila de Lima sa Facebook Philippines na imbestigahan ang temporary shutdown ng kanyang Facebook account at sa ilang mga taga-oposisyon.

Ayon kay De Lima, sana ay hindi ito organisadong pag-atake dahil nasaksihan naman umano kung paano gumamit ang administrasyon ng trolls.

Hinanakit ni De Lima, siniraan at pinakulong na siya, at ngayon pati ba naman Facebook page niya ay gusto rin nilang patahimikin.


Umaasa si De Lima na aaksyunan ito ng Facebook.

Giit ni De Lima, ngayong may pandemya ay mas mainam na gamitin ang social media sa paghahatid ng mga impormasyon na makatotohanan at mapapakinabangan ng publiko.

Facebook Comments