Teorya na pinaglaruan ng drug syndicate ang PNP at PDEA, pagtatakip sa kapalpakan ng mga law enforcer – Gabriela

357

Hindi binili ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas ang posibilidad na pinaglaruan ng sindikato ng droga ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Pasaring niya, napaka-creative ng teorya ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.


Lahat na aniya ng klase ng kwento at teorya ay ginawa para pagtakpan ang kapalpakan ng mga law enforcers na dawit sa umano’y misencounter.

Giit ni Brosas, dapat na tingnan ng mga awtoridad ang naging trauma ng insidente sa mga sibilyang nadamay sa engkwentro sa halip na unahin ang pagpapabango sa bulok na imahe ng kapulisan.

Facebook Comments