Term extension, hindi kailangan para maraming magawa ang mga inihalal na lokal na opisyal

162

Manila, Philippines – Isa si Senator Risa Hontiveros sa mga senador na tutol sa plano ni Congressman Alan Peter Cayetano na isulong ang pagpapahaba sa termino ng mga kongresista mula sa kasalukuyang tatlong taon.

Giit ni Hontiveros, hindi kailangan ang mahabang termino para may magawa.


Patunay ni Hontiveros na sa unang tatlong taon ng kanyang termino ay umabot sa 13 panukalang batas na iniakda niya ang naipasa.

Pangunahin aniya dito ang Expanded Maternity Leave, Enhanced Anti-hospital Deposit, Mental Health and Safe Spaces Acts.

Tinukoy din ni Hontiveros sina Manila Mayor Isko Moreno at Pasig City Mayor Vico Sotto na ilang linggo pa lang nanunungkulan pero dahil mahusay silang nagtatrabaho ay marami ng nagawa.

Facebook Comments

From Advertisers